Exalt: “How He Loves”
Empower: Exodus 34:6-7;Joel 2:13; 2 Corinthians 3:6,9; Galatians 3:17-19; 1 John 2:2; Romans 8:25; Matthew 15:19
Slow To Anger (Hindi Madaling Magalit)
Isa sa maling pagkilala sa Diyos (wrong image of God) na nakagisnan ng maraming tao, maging ng ibang Kristiyano, ay ang pagiging mabagsik o malupit ng Diyos. Ito ay dahil sa mga nababasa sa Lumang Tipan kung paano namamatay at napaparusahan ang mga taong tumatalikod sa Kanya. Subalit kung uunawain natin kung bakit ginawa iyon ng Diyos (how he dealt with sin) sa Lumang Tipan, makikita natin na ito ay dahil pa rin sa Kanyang pag-ibig sa tao. God is the Source of life, not death. Hindi Niya kailanman ninais na mahirapan o maparusahan ang tao; tiniis Niya ang paglapastangan ng tao sa Kanya, subalit, naging sukdulan ang kasamaan ng tao; kaya’t kapahamakan ang naging kinahinatnan ng mga taong nagpasyang mabuhay na hiwalay sa Kanya… mga tao na ang puso ay puno ng kadiliman at pagrebelde sa Diyos. Ito ang dahilan kaya Niya ibinigay ang Kautusan, temporarily, upang makita ng tao na mayroong kasalanang sumisira (o pumapatay) sa kanya; hanggang sa dumating ang takdang panahon, isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Hesus upang sa paghahandog ng Kanyang buhay (kamatayan) ay maibsan o mapawi ang galit ng Diyos at mapanumbalik ang tao sa Kanya. Si Hesus ang tumupad sa lahat ng hinihingi ng Kautusan at ito ang naging pampalubag-loob (propitiation) para sa kasalanan natin at ng kasalanan ng buong sanlibutan (1 John 2:2).
Maging malinaw din sa atin na nang maibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, hindi nito pinawalangbisa ang pangako ng Diyos kay Abraham (who lived before the Law) na siya’y pagpapalain… ang pangalan niya’y magiging dakila at sa pamamagitan niya ay mapapagpala ang maraming mga bansa (through Jesus Christ). Sapagkat kung matatanggap natin ang pagpapala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, walang kabuluhan ang pangako ng Dios kay Abraham. Ngunit ang totoo, ibinigay ng Dios ang pagpapala bilang pagtupad sa pangako niya. (Galatians 3:18 ASND) Kaya nga’t, tayo ngayon na sumampalataya kay Hesus (as spiritual seeds of Abraham), ay pinagpala hindi dahil sa pagsunod natin sa Kautusan kundi dahil ito ang ipinangako ng Diyos kay Abraham.
Tayo na mga mananampalataya ay matuwid na sa harapan ng Diyos (because of Christ’s Righteousness). Ang Kanyang pagpapala ay hindi nakabase sa mabubuting-gawa natin o pagsunod sa Kautusan (doing moral principles), kundi dahil sa katuwiran ni Cristo na nasa atin; ang mabubuting gawa ay bunga (by-product) lamang ng ating kaugnayan sa Kanya, hindi paraan upang masiyahan ang Diyos (means or way to please Him) at tayo’y Kanyang pagpalain. Gayundin naman, hindi Niya tayo paparusahan kapag tayo’y nakagawa ng kasalanan, subalit, unawain na anumang maling gawa ay mayroong hindi magandang bunga (consequence) dito sa lupa; but as far as our relationship with God is concerned, we are still righteous before Him. Be assured always na sa anumang consequence ng maling gawa o desisyon sa buhay natin, nandiyan ang Diyos para tulungan tayong bumangon at magpatuloy.
Mula pa noon hanggang ngayon, ang Diyos ay laging nagbibigay ng pagkakataon o panahon sa mga tao upang sila’y magsisi at magbago ng kaisipan (repent). Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila. 26 Isinugo niya si Cristo para ipakita sa kasalukuyang panahon na matuwid siya. (Rom.3:25b, 26a) Ang nais ng Diyos wala ni isa man ang mapahamak kundi ang lahat ay magbalik-loob sa Kanya (2 Peter 3:9) At sa lahat ng nanumbalik at naligtas, ang nais Niya ay lubusan tayong mapalapit sa Kanya and enjoy our intimacy with Him by experiencing who He is in our lives.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ano ang implikasyon ng katotohanang napawi na ang poot ng Diyos sa buhay mo ngayon bilang isang mananampalataya?